Ikaw pa rin pala,
Ikaw pa rin simula noong una.
Ang aking sinisinta,
Ang inaalayan ko ng tula.
–
Ang bilis lumipas ng panahon,
Mula ng binigay ka sa akin ng poon.
Ikaw na nga ang naging tugon,
Sa mga naging katanungan ko noon.
–
Maraming salamat sa Maykapal,
Natapos din ang paghintay ng kay tagal.
Ikaw ang naging sagot sa aking dasal,
Na makamtan ang tunay na pagmamahal.
–
Ataking pinapangako,
Simula sa araw na ito
Ako’y iyong iyo,
Hanggang sa dulo.
–
Dumaan man ang maraming unos,
Pasensya man ay maubos,
Problema’y pipiliting maayos,
Pagkat ating pagmamahal ay hindi matatapos.
–
Pagibig ko man ay hindi perpekto,
Iaalay pa rin ang buong puso.
Maipadama lamang sa iyo,
Ang pagibig kong totoo.
–
Mahal na mahal kita,
Simula pa ng una kitang makita.
Kulang ang mga salita,
Sa pagibig na nadarama.
–
Pangako hanggang sa dulo ikaw pa rin,
Ikaw pa rin ang patuloy kong iibigin.
Ikaw pa rin ang isisigaw nitong damdamin,
Ikaw pa rin ang aking mamahalin.
—
Photo credits: http://www.huffingtonpost.com/andre-bourque/technology-profit-and-piv_b_7193112.html